Monday, March 27, 2017

SURING BASA:  SARANGGOLA ni Efren R. Abueg


 

PAGKILALA SA MAY AKDA:

Si Efren R. Abueg (Marso 3, 1937) ang isa sa mga ginagalang na nobelista, kuwentita, mananaysay, at kritiko ng kaniyang panahon.  Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kwento. Ilan sa mga parangal ni Efren R. Abueg ay ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa taong (1959, 1960, 1963, 1964, 1967 at 1974). Sumulat at nag-edit din ng maraming mga sanggunian aklat at ginamit hanggang sa kasalukuyan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula elementary, sekundarya hanggang sa kolehiyo.


URI NG PANITIKAN:         

Ang Saranggola ni Efren R. Abueg ay isang Maikling kwento.


LAYUNIN NG MAY AKDA:

Ang unang layunin ng may akda ay ang ipamulat sa lahat ng mga kabataan na hindi lahat ng ating mga iniisip ang tama, hindi lahat nang sa tingin natin ay tama, ay tama na rin sa mata ng ibang tao dahil tayong ay magkakaiba. Ang nais ipabatid ng may akda na hindi tayo nag-iisa sa buhay dahil meron tayong mga magulang na handang tumulong, umalalay, gumabay at handang sumuporta sa ating pagtahak sa kanya-kaya nating buhay. Kaya lagi tayong makikinig sa kanila dahil sa panahon ng kagipitan at hindi muna alam kung ano ang iyong gagawin sa buhay nandyan sila handa tayong bigyang muli ng bagong pag-asa at muling ibangon. Kaya kahit ano pa ang kanilang nagawa sayo mga magulang mo parin sila, kahit bali-baliktarin mo man ang mundo sa kanila ka parin nagmula. Ang pangalawang layuni ng may akda ay ang ipamulat sa mga lahat ng mag tao na tagumpay sa buhay ay hindi natatamasa sa isang aksyon lamang, hindi ito natatamasa sa isang sakripisyo lamang, hindi mo ito matatamasa kung hindi ka magsisikap at matitiyaga sa pagharap sa pagsubok sa buhay.


TEMA O PAKSA NG MAY AKDA:

Ang tema ng maikling kwentong Saranggola ay ang pagmamahal ng ating mga magulang, lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama ay hindi maipagpapalit sa kahit anong kadaming salapi sa mundong ito.Ang pangalawa ay ang buhay ay parang saranggola bago mo ito maipalipad ng matagal at mataas sa himpapawid kinakailangan mo munang mag-tiyaga, mag-ingat at maging mahusay sa pagpapalipad nito.

MGA TAUHAN O KARAKTER SA KWENTO:

 Lalaking bata – ang batang humiling sa kanyang ama na siya ay bilhan ng guryon .
Ama – ang ama ng batang humiling na bilhan siya ng guryon.
Ina – ang ina ng batang humiling sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Rading – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Paquito – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Nelson – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.


TAGPUAN O PANAHON:

Sa isang munting bayan – ang bayan kung saan nakatira ang pamilya ng batang lalaki.
Sa bahay – sa bahay kung saan sila nakatira at gumawa ng saranggola.
Sa bukid – kung saan nagpapalipad sila ng saranggola.
Sa Machine Shop – kung saan sila nagtatrabaho.

NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

I. Humingi ang batang lalaki sa kanyang ama na bilhan siya ng guryun.          
            A. Pero hindi siya binilhan ng kanyang ama at tinuruan na lamang siya ng kanyang ama kung paano gumawa at magpalipad ng saranggola.
            B.  Kaya namuo ang kanyang galit sa kanyang ama.                        
                        1. Naramdaman ng batang lalaki na kinakaawa siya ng kanyang ama dahil sa mga bagay na hindi binigay sa kanya, kaya mas lalong nagalit siya sa kanyang ama.       
                        2. Sa paglipas ng panahon hindi parin nawala ang galit ng batang lalaki sa kanyang ama, kahit sa pagpili ng kursong pag-aaralan, ang desisyon ng kanyang ama parin ang natupad at para siya na ang mamalakad sa kanilang negosyo kung wala na ang magulang niya.
                       
II. Dumating ang araw na nakapagtapos ang batang lalaki sa koliheyo.
             A. Sa halip na ibigay sa kanya ang pamamalakad ay binigyan lamang siya ng ama ng pera para magpundar kanyang sarili negosyo kaya nagalit siya sa kanyang ama. 
                        1. Tinanggap niya ang pera at nagtayo siya ng kanyang sariling negosyo at hindi naglaon nalugi ito.
                                     1.1 Dahil nagtayo siya ng kanyang negoso malapit sa negosyo ng kanyang ama, kaya mas maliit ang kanyang benta at nalugi ito.
                        2. Humingi siya ulit ng puhunan sa kanyang ama, ngunit hindi siya binigyan nito kaya lalo siyang nagali rito.  
            B. Nagtrabaho siya at nagsumikap, sa paglipas ng panahon nagkaroon ng bagong negosyo at nagging mas maunlad.
                        1. Isang araw umuwi siya galing sa trabaho at hindi niya naabutan ang kanyang mag ina at nalaman niyang pumunta sila sa kanyang magulang para patawarin ito.
                                    1.1 Naalala niiya ang lahat ng masasayang araw at panahon noong kasama pa niya ang kanyang ama, kaya nagmadali siya umiwi sa kanilang bahay.
                                    1.2 Ngunit huli na ang lahat, patay na ang kanyang ama at namatay itong walang hinannakit sa kanya dahil natupad na ang pangarap ng kanyang ama na marating kanyang anak itaas ng kanyang  sariling hirap.  


MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA

 Ang buhay ay parang saranggola, wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas nasa na humahawak nag tali nito dahil ikaw ang kumukontrol sa iyong buhay kaya magsikap, magtiyaga at palaging manalig sa poong may kapal upang kanyang gabayan sa pagpapalipad mo ng iyong saringling saranggola.
Oras ang pinaka-impotanteng bagay sa mundong ito. Ang mga nagdaan ay hindi muna mababalikan kaya kumilos ka at gumawa ng mga mabubuting bagay sa mundo dahil hindi mo alam kung kalian kalang mabubuhay sa mundong ito. Kaya kung may panahon kapa dapat lahat ng mga hindi magandang pangyayari sayong buhay ay itama muna para hindi ka magsisi sa huli.


ISTILO NG PAGKASULAT

Ang istilo na ginamit ng may akda sa pagsulat ng maikling kwentong ito ginamit niya ang emosiyon ng mga mambabasa para makuha ang kanilang atensiyon na basahin at tangkilikin ang kanyang maiklin kwento. Sa paggamit ng may akda sa emosiyon ng mambabasa mas madali itong mag-iiwan ng kakintalan at aral sa mambabasa dahil ang mga pangyayari sa kwentong ito ay tunay na nangyayari sa totoo buhay.

BUOD NG KWENTO

 Ang kwentong ito ay nagsimula sa mag-ama nagkwekwentuhan, sabi ng ama sa kanyang mga anak may isang batang lalaki na humingi sa kanyang ama na bilhan siya ng isang guryon bagkus sinabihan lamang siya ng kanyang ama na bumili ng kawayan at
papel at gumawa ng kanyang sariling saranggola, pero hindi marunong ang bata kaya tinuruan siya ng kanyang ama na gawin ito. Sa halip na matuwa ang batang lalaki dahil meron na siyang saranggola nagalit ito at humingi ulit siya sa kanyang ama na bilhan siya ng guryon dahil kinakatyawan siya sa bukid kung saan siya nagpapalipad ng saranggola dahil maliit ang sa kanya. Kahit meron silang perang pangbili ng isang guryun, hindi parin siya binilhan ng kanyang ama bagkus tinuruan nito ang kanyang anak na magpalipad ng saranggola. Lumipas ang mga araw ang batang lalaki ay natutung nang magpalipad ng saranggola at nalagpasan na niya  ang mga guryon ng kanyang mga kaibigan. Ngunit isang araw, napatid ang tali ng kanyang saranggola at nasapid sa isang balag pero hindi parin ito nasira at sinabihan siya ng kanyang ama na kung guryun yan, nawasak na dahil sa laki. kaya tandaan mo, ang taas ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagilin doon at kung babagsak, lagging nawawasak. Lumipas ang mga taon hindi parin nawala ang galit ng batang lalaki sa kanyang ama dahil nararamdam ng batang lalaki na kinakaawa siya ng kanyang ama, kahit damit at sapatos ay pang pobre ang laging kanyang sinusuot at laging katwiran ng kanyang ama na hindi madaling kitain ang pera. Lumipas ang maraming araw, hindi parin naunawaan ng batang lalaki kung bakit siya pinahihirapan ng kanyang sariling ama. Hanggang sa pagpili ng kursong aaralin sa koliheyo ang pasya parin ng ama ang nanaig dahil sa tingin ng kanyang ama yon ang makakabuti para sa kanya. Nag-aral siya ng mabuti at nakatapos ng koliheyo, pagakatapos binigyan siya ng pera ng kanyang ama para sa pagpapatayo ng isang machine shop, una hindi niya tinanggap dahil wala itong rason dahil mamanahin niya naman ang machine shop nila. Pero sinabihan siya ng kanyang ama na kaya pa niya hawakan ang negosyo at sinabihan siya na mabuti na yong makatindig ka sa sarili mong paa. Kaya tinanggap niya ang pera at nagpatayo ng machine shop malapit sa machine shop ng kanyang ama. Isang araw pinuntahan siya ng kanyang ama sa kanyang machine shop para kumustahin pero sa tindi ng kanyang galit umalis ang kanyang ama na hindi man lang sila nakapag-usap ng matino. Pero dahil sa kawalan ng kita nalugi ang negosyo  ng batang lalaki at humingi ulit siya ng puhunan sa kanyang ama, ngunit hindi siya nito binigyan kaya ang galit na nadarama ng kanang anak ay lalong tumindi at dahil doon nakalimutan niya ang paggalang sa magulang. Lumipas ang maraming taon sumigla muli ang kanyang negosyo. Isang araw dinalaw siya ng kanyang ina at sinabi sa kanya na gustong Makita ng kanyang ama ang kanyang mga apo, ngunit hindi pumayag ang kanyang anak dahil kinalimutn na niya na meron siyang ama. Ngunit isang araw sa kanyang pag-uwi galing sa trabaho hindi niya nadatnan ang kanyang mga anak at asawa nabalitaan na lamang niya na pumunta pala ito sa probinsya ng kanyang mga magulang upang patawarin ito at labis ang kanyang nadaramang galit, ngunit nahinto siya saglit at naala lahat ng masayang karanasan
niya kanyang ama. Dali-dali siyang pumunta sa kanilang probinsya pero huli na ang lahat patay na ang kanyang ama, pero namatay ang kanyan ama na walng hinanakit sa kanya dahil natupad na niya ang kanyang pangarap na marating mo ang itaas at nakatiyak siya makakapanatili ka roon at naalala niya ang sinabi ng kanyang ama na wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo….tututuan kita. Doon natapos ang kwentuhan ng mag-ama sinabihan niya ito na tandaan niyo itong kwentong ito dahil kwento ito ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalaw.


ARAL NG KWENTO:

Ang aral ng kwento ito ay dapat palaging tayong makikinig sa ating mga magulang at sundin ang kanilang mga payo dahil ang hangad lamang nila ay kung ano ang makakabuti sa kanila. Ang buhay ay parang lotto na instant mayaman kana agad kung mananalo ka dahil ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat palagi tayong magsikap at paghusayin ang pagawa para sa ikakaunlad natin.


Reference:
  1. http://www.tagalogshortstories.net/efren-abueg---saranggola.html
  2. http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Efren_R._Abueg
  3. http://www.answers.com/Q/Mga_Halimbawa_ng_suring_basa