SURING BASA: SARANGGOLA ni Efren R. Abueg
PAGKILALA SA MAY AKDA:
Si Efren R. Abueg (Marso 3, 1937)
ang isa sa mga ginagalang na nobelista, kuwentita, mananaysay, at kritiko ng
kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang
mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kwento. Ilan
sa mga parangal ni Efren R. Abueg ay ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature sa taong (1959, 1960, 1963, 1964, 1967 at 1974). Sumulat at nag-edit
din ng maraming mga sanggunian aklat at ginamit hanggang sa kasalukuyan sa
kapwa pribado at publikong paaralan, mula elementary, sekundarya hanggang sa
kolehiyo.
URI NG
PANITIKAN:
Ang Saranggola ni Efren R. Abueg
ay isang Maikling kwento.
LAYUNIN NG MAY AKDA:
Ang unang layunin ng may akda ay
ang ipamulat sa lahat ng mga kabataan na hindi lahat ng ating mga iniisip ang
tama, hindi lahat nang sa tingin natin ay tama, ay tama na rin sa mata ng ibang
tao dahil tayong ay magkakaiba. Ang nais ipabatid ng may akda na hindi tayo
nag-iisa sa buhay dahil meron tayong mga magulang na handang tumulong,
umalalay, gumabay at handang sumuporta sa ating pagtahak sa kanya-kaya nating
buhay. Kaya lagi tayong makikinig sa kanila dahil sa panahon ng kagipitan at
hindi muna alam kung ano ang iyong gagawin sa buhay nandyan sila handa tayong
bigyang muli ng bagong pag-asa at muling ibangon. Kaya kahit ano pa ang
kanilang nagawa sayo mga magulang mo parin sila, kahit bali-baliktarin mo man
ang mundo sa kanila ka parin nagmula. Ang pangalawang layuni ng may akda ay ang
ipamulat sa mga lahat ng mag tao na tagumpay sa buhay ay hindi natatamasa sa
isang aksyon lamang, hindi ito natatamasa sa isang sakripisyo lamang, hindi mo
ito matatamasa kung hindi ka magsisikap at matitiyaga sa pagharap sa pagsubok
sa buhay.
TEMA O PAKSA NG MAY AKDA:
Ang tema ng maikling kwentong
Saranggola ay ang pagmamahal ng ating mga magulang, lalong-lalo na ang
pagmamahal ng isang ama ay hindi maipagpapalit sa kahit anong kadaming salapi
sa mundong ito.Ang pangalawa ay ang buhay ay parang saranggola bago mo ito
maipalipad ng matagal at mataas sa himpapawid kinakailangan mo munang
mag-tiyaga, mag-ingat at maging mahusay sa pagpapalipad nito.
MGA TAUHAN O KARAKTER SA KWENTO:
Lalaking bata – ang batang humiling sa kanyang
ama na siya ay bilhan ng guryon .
Ama – ang ama ng batang humiling
na bilhan siya ng guryon.
Ina – ang ina ng batang humiling
sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Rading – anak ng batang humingi
sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Paquito – anak ng batang humingi
sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
Nelson – anak ng batang humingi
sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.
TAGPUAN O PANAHON:
Sa bahay – sa bahay kung saan
sila nakatira at gumawa ng saranggola.
Sa bukid – kung saan nagpapalipad
sila ng saranggola.
Sa Machine Shop – kung saan sila
nagtatrabaho.
NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA
PANGYAYARI
I. Humingi ang batang lalaki sa
kanyang ama na bilhan siya ng guryun.
A.
Pero hindi siya binilhan ng kanyang ama at tinuruan na lamang siya ng kanyang
ama kung paano gumawa at magpalipad ng saranggola.
B.
Kaya namuo ang kanyang galit sa kanyang
ama.
1.
Naramdaman ng batang lalaki na kinakaawa siya ng kanyang ama dahil sa mga bagay
na hindi binigay sa kanya, kaya mas lalong nagalit siya sa kanyang ama.
2.
Sa paglipas ng panahon hindi parin nawala ang galit ng batang lalaki sa kanyang
ama, kahit sa pagpili ng kursong pag-aaralan, ang desisyon ng kanyang ama parin
ang natupad at para siya na ang mamalakad sa kanilang negosyo kung wala na ang
magulang niya.
1.
Tinanggap niya ang pera at nagtayo siya ng kanyang sariling negosyo at hindi
naglaon nalugi ito.
B.
Nagtrabaho siya at nagsumikap, sa paglipas ng panahon nagkaroon ng bagong
negosyo at nagging mas maunlad.
1.
Isang araw umuwi siya galing sa trabaho at hindi niya naabutan ang kanyang mag
ina at nalaman niyang pumunta sila sa kanyang magulang para patawarin ito.
1.1
Naalala niiya ang lahat ng masasayang araw at panahon noong kasama pa niya ang
kanyang ama, kaya nagmadali siya umiwi sa kanilang bahay.
1.2
Ngunit huli na ang lahat, patay na ang kanyang ama at namatay itong walang
hinannakit sa kanya dahil natupad na ang pangarap ng kanyang ama na marating
kanyang anak itaas ng kanyang sariling
hirap.
MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG
AKDA
Ang buhay ay parang saranggola, wala sa laki
ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas nasa na humahawak
nag tali nito dahil ikaw ang kumukontrol sa iyong buhay kaya magsikap,
magtiyaga at palaging manalig sa poong may kapal upang kanyang gabayan sa
pagpapalipad mo ng iyong saringling saranggola.
Oras ang pinaka-impotanteng bagay
sa mundong ito. Ang mga nagdaan ay hindi muna mababalikan kaya kumilos ka at
gumawa ng mga mabubuting bagay sa mundo dahil hindi mo alam kung kalian kalang
mabubuhay sa mundong ito. Kaya kung may panahon kapa dapat lahat ng mga hindi
magandang pangyayari sayong buhay ay itama muna para hindi ka magsisi sa huli.
ISTILO NG PAGKASULAT
Ang istilo na ginamit ng may akda
sa pagsulat ng maikling kwentong ito ginamit niya ang emosiyon ng mga mambabasa
para makuha ang kanilang atensiyon na basahin at tangkilikin ang kanyang maiklin
kwento. Sa paggamit ng may akda sa emosiyon ng mambabasa mas madali itong
mag-iiwan ng kakintalan at aral sa mambabasa dahil ang mga pangyayari sa
kwentong ito ay tunay na nangyayari sa totoo buhay.
BUOD NG KWENTO
Ang kwentong ito ay nagsimula sa mag-ama nagkwekwentuhan,
sabi ng ama sa kanyang mga anak may isang batang lalaki na humingi sa kanyang
ama na bilhan siya ng isang guryon bagkus sinabihan lamang siya ng kanyang ama
na bumili ng kawayan at
papel at gumawa ng kanyang
sariling saranggola, pero hindi marunong ang bata kaya tinuruan siya ng kanyang
ama na gawin ito. Sa halip na matuwa ang batang lalaki dahil meron na siyang
saranggola nagalit ito at humingi ulit siya sa kanyang ama na bilhan siya ng
guryon dahil kinakatyawan siya sa bukid kung saan siya nagpapalipad ng
saranggola dahil maliit ang sa kanya. Kahit meron silang perang pangbili ng
isang guryun, hindi parin siya binilhan ng kanyang ama bagkus tinuruan nito ang
kanyang anak na magpalipad ng saranggola. Lumipas ang mga araw ang batang
lalaki ay natutung nang magpalipad ng saranggola at nalagpasan na niya ang mga guryon ng kanyang mga kaibigan.
Ngunit isang araw, napatid ang tali ng kanyang saranggola at nasapid sa isang
balag pero hindi parin ito nasira at sinabihan siya ng kanyang ama na kung
guryun yan, nawasak na dahil sa laki. kaya tandaan mo, ang taas ng pagpapalipad
ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang
tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagilin doon at kung babagsak, lagging
nawawasak. Lumipas ang mga taon hindi parin nawala ang galit ng batang lalaki
sa kanyang ama dahil nararamdam ng batang lalaki na kinakaawa siya ng kanyang
ama, kahit damit at sapatos ay pang pobre ang laging kanyang sinusuot at laging
katwiran ng kanyang ama na hindi madaling kitain ang pera. Lumipas ang maraming
araw, hindi parin naunawaan ng batang lalaki kung bakit siya pinahihirapan ng
kanyang sariling ama. Hanggang sa pagpili ng kursong aaralin sa koliheyo ang
pasya parin ng ama ang nanaig dahil sa tingin ng kanyang ama yon ang makakabuti
para sa kanya. Nag-aral siya ng mabuti at nakatapos ng koliheyo, pagakatapos
binigyan siya ng pera ng kanyang ama para sa pagpapatayo ng isang machine shop,
una hindi niya tinanggap dahil wala itong rason dahil mamanahin niya naman ang
machine shop nila. Pero sinabihan siya ng kanyang ama na kaya pa niya hawakan
ang negosyo at sinabihan siya na mabuti na yong makatindig ka sa sarili mong
paa. Kaya tinanggap niya ang pera at nagpatayo ng machine shop malapit sa machine
shop ng kanyang ama. Isang araw pinuntahan siya ng kanyang ama sa kanyang
machine shop para kumustahin pero sa tindi ng kanyang galit umalis ang kanyang
ama na hindi man lang sila nakapag-usap ng matino. Pero dahil sa kawalan ng
kita nalugi ang negosyo ng batang lalaki
at humingi ulit siya ng puhunan sa kanyang ama, ngunit hindi siya nito binigyan
kaya ang galit na nadarama ng kanang anak ay lalong tumindi at dahil doon
nakalimutan niya ang paggalang sa magulang. Lumipas ang maraming taon sumigla
muli ang kanyang negosyo. Isang araw dinalaw siya ng kanyang ina at sinabi sa
kanya na gustong Makita ng kanyang ama ang kanyang mga apo, ngunit hindi
pumayag ang kanyang anak dahil kinalimutn na niya na meron siyang ama. Ngunit
isang araw sa kanyang pag-uwi galing sa trabaho hindi niya nadatnan ang kanyang
mga anak at asawa nabalitaan na lamang niya na pumunta pala ito sa probinsya ng
kanyang mga magulang upang patawarin ito at labis ang kanyang nadaramang galit,
ngunit nahinto siya saglit at naala lahat ng masayang karanasan
niya kanyang ama. Dali-dali siyang pumunta sa kanilang probinsya pero huli na ang lahat patay na ang kanyang ama, pero namatay ang kanyan ama na walng hinanakit sa kanya dahil natupad na niya ang kanyang pangarap na marating mo ang itaas at nakatiyak siya makakapanatili ka roon at naalala niya ang sinabi ng kanyang ama na wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo….tututuan kita. Doon natapos ang kwentuhan ng mag-ama sinabihan niya ito na tandaan niyo itong kwentong ito dahil kwento ito ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalaw.
niya kanyang ama. Dali-dali siyang pumunta sa kanilang probinsya pero huli na ang lahat patay na ang kanyang ama, pero namatay ang kanyan ama na walng hinanakit sa kanya dahil natupad na niya ang kanyang pangarap na marating mo ang itaas at nakatiyak siya makakapanatili ka roon at naalala niya ang sinabi ng kanyang ama na wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo….tututuan kita. Doon natapos ang kwentuhan ng mag-ama sinabihan niya ito na tandaan niyo itong kwentong ito dahil kwento ito ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalaw.
ARAL NG KWENTO:
Ang aral ng kwento ito ay dapat
palaging tayong makikinig sa ating mga magulang at sundin ang kanilang mga payo
dahil ang hangad lamang nila ay kung ano ang makakabuti sa kanila. Ang buhay ay
parang lotto na instant mayaman kana
agad kung mananalo ka dahil ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat palagi
tayong magsikap at paghusayin ang pagawa para sa ikakaunlad natin.
Reference:
- http://www.tagalogshortstories.net/efren-abueg---saranggola.html
- http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Efren_R._Abueg
- http://www.answers.com/Q/Mga_Halimbawa_ng_suring_basa
Ano Ang iyong reaksyon sa saranggola
ReplyDeleteit sucked
DeleteHAHAHAHA
Deletemasaya
DeleteAng galing mopo sana po mas marami kapa pong magawa🙂
ReplyDeletesalamat po sa pagbabahagi! Ang galing nyo po, sana po marami pa kayong matulungang estudyante at maging mga guro, maraming salamat po!Pagpalain nawa kayo ng Panginoon😊
ReplyDeleteSalamat sa ideya😊.... God bless you po.
ReplyDeleteSalamat po sa napaka gandang kwento na ito.
ReplyDeleteSalamat po sa napaka gandang kwento na ito.
ReplyDeletesino ang mga tauhan?
ReplyDeleteDi mo ba binasa?????
Deletetatay
DeleteSalamat po na tulong🧝🏻♀️...
ReplyDeleteSalamat PO SA pagbabahagi
ReplyDeleteSalamat po
ReplyDeletesalamat po sa kwentont ito..napaka ganda po ng kwentong ito
ReplyDeletePayyyttss❤️
ReplyDeleteKa ganda ng kwento
ReplyDeleteOpoh
DeleteAnu po ang kaligirang pangkasysayan ng akda base mo sa kwento
ReplyDeleteAnong taon po ito sinulat
ReplyDeleteSino pa ang sumuri nito?
ReplyDeleteTaglay ba ng binasang akdang ang ma haha lang ang elemento ng maikling kuwento? Answer pleaseeeee
ReplyDeleteNice
ReplyDeletePwede ko ba kayo maging jowa guyss?
ReplyDeleteFinding jowaaaa
ReplyDeleteReplyan niyo ako....
ReplyDeleteHarrah's Hotel & Casino – MapyRO
ReplyDeleteHarrah's 영천 출장샵 Hotel & Casino 성남 출장샵 is located at the corner of Harmon Park Rd 제주 출장마사지 and Spring Mountain Rd. 777 Harrahs Blvd. West in Joliet, 성남 출장샵 IL 속초 출장샵 63044. Use our map to check address,
nice
ReplyDelete